About: http://data.cimple.eu/claim-review/e40d3cf33cf89fd2dbde4c6e3c6843ff5d1120bf8e9b93281819dbad     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Kinakailangang magparehistro sa isang link na dumidirekta sa isang blogging site upang makatanggap ng P10,000 at P30,000 na ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 120 na share, 24 na komento, at 22 na reaksiyon. Laman din ng ilan pang hiwalay na post sa Facebook itong sabi-sabi. Ang katotohanan: Sa isang email sa Rappler ay pinabulaanan ng DSWD ang post ng umano’y rehistrasyon para sa P10,000 at P30,000 na ayuda ng kanilang kagawaran. Hindi raw kumukuha ng personal na impormasyon online kaugnay ng pamamahagi ng ayuda ang kanilang ahensiya. Sa mga kasalukuyang serbisyo at programa ng ahensiya, tanging ang mga sumusunod ang maaaring makapagbigay ng nasabing halaga ng ayuda: P10,000 sa bawat pamilyang Badjao na sinimulan noong ika-18 ng Nobyembre at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na aabot sa P15,000 ang benepisyong maaaring makuha kung tatlo ang nag-aaral na anak. Parehong hindi sa blogging site ang rehistrasyon ng mga nasabing programa. Ang mga Badjao na binigyan ng P10,000 na ayuda ay iniligtas mula sa lansangan at pinuntahan mismo ng ahensiya. Habang ang kagawaran din mismo ang tumutukoy sa mga benepisyaryo ng 4Ps, na hindi nangangailangan ng online registration. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software