About: http://data.cimple.eu/claim-review/e4d68f662836cfde979c7308a03364f49dc8fec4938a0647a1cb070d     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Isa sa mga agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang biyahe sa China ngayong Enero ang 1,715,000 metric tons ng ginto na umano’y idineposito ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos sa nasabing bansa. Sa isang video na pinamagatang “GRABE NAKAKALULANG MARCOS ACCOUNT SA BEIJING CHINA ISUSUNOD NA NI PANGULONG BONGBONG MARCOS?” ay ipinakita ang isang sertipikasyon umano ng pagdedeposito ni dating pangulong Marcos ng isang milyong toneladang ginto sa China. Ang nasabing dokumento ay ipinakita rin sa thumbnail ng video na may tekstong “GRABE NAKALULULA MARCOS ACCOUNT SA BEIJING CHINA ISUSUNOD NA.” Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Walang katapusan ang pagpapakalat ng sabi-sabi hinggil sa nakalululang yaman ng pamilyang Marcos na matagal nang napatunayang imposible. Ang katotohanan: Una, imposible ang pagkakaroon ng 1,715,000 toneladang gintong nakadeposito sa China dahil ayon sa tala, nasa 205,238 toneladang ginto pa lang ang namimina sa tanang kasaysayan. Nakita rin sa ginawang reverse image search na unang nailathala ang dokumentong nagsasaad ng umano’y pagdedeposito ng mga ginto sa Facebook page ng Alpha Omega World Development Marshall Programme noong 2017. Naitampok na ang page na ito sa isang artikulo at ilang fact check na istorya ng Rappler. Kilala ang page na ito sa pagpapalaganap ng mga Marcos gold myth at ng sabi-sabing ang pinuno nilang si Tiburcio Villamor Marcos ay anak ni dating pangulong Marcos. Galing umano sila sa angkan ng mga Tallano na sinasabing maharlikang pamilyang namumuno sa buong Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila. Ano kamo? – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software