About: http://data.cimple.eu/claim-review/e6d2d92aebb4fcedf245b07ec9492ee1a06edf637e09047d1f664174     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Wala pa ang Moro Islamic Liberation Front o MILF noong administrasyon ng dating pangulong Ferdinand Marcos. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Itinatag ang MILF noong 1977, noong administrasyon ni Marcos na nagtagal mula 1965 hanggang 1986. - Bakit kailangang i-fact-check: Nakita ang sabi-sabi sa isang post na ginawa ng Facebook page na “Ang Pahina” noong Pebrero 27. Ang post ay may 197 na reaksiyon, 50 na komento, at 77 na share nang isinulat ang fact check. Mga detalye Isang post sa Facebook page na “Ang Pahina” na ginawa noong Pebrero 27 ang nagsasabi na walang Moro Islamic Liberation Front o MILF sa administrasyon ng dating pangulong Ferdinand Marcos, na mula 1965 hanggang 1986. Ito ang sinabi sa post, na ang laman ay puro salaysay ng mga ilang sinasabing nangyari noong administrasyong Marcos: “Ipamulat po natin na ang MILF ay wala sa panahon ni President Marcos dahil ang mga MNLF ay nagkaroon ng pag-uusap sa gobyerno at binigyan sila ng kalayaang magkaroon ng sariling mga lup (sic) at sariling gobyerno sa Autonomous Regions of Mindanano (sic) noong 1976.” Nang isinulat ang fact check, ang post ay nakatanggap na ng 197 na reaksiyon, 50 na komento, at 77 na share. Hindi totoo ang pahayag na walang MILF noong administrasyon ni Marcos. Nabuo ang MILF nang kumalas ng grupo ni Hashim Salamat mula sa Moro National Liberation Front o MNLF noong 1977 bunga ng hidwaan tungkol sa kung paano nila gustong mabuo ang isang malayang Muslim Mindanao. Sa tingin ng grupo ni Salamat, hindi akma sa mga hangarin ng Islam ang hangad ng MNLF na tuluyang kumalas mula sa gobyerno ng Filipinas ang Muslim Mindanao. Ang hangad naman ng MILF ay isang nagsasariling estado o rehiyong Islamic na bahagi pa rin ng Filipinas. (BASAHIN: Opium of the people in Marawi) 1977 din ang kinikilala ng MILF na taon ng pagkakatatag nito. Sabi sa opisyal na website ng MILF na luwaran.com, itinatag ang organisasyon noong Setyembre 1977, ngunit isinapubliko lamang noong 1984. Makikita rin sa iba pang mga source ang 1977 bilang taon ng pagkakatatag ng MILF, kagaya ng Center for International Security and Cooperation (CISAC) na nasa Stanford University, ang Oxford Islamic Studies Online, ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), at ang profile ni Mohagher M. Iqbal, isa sa mga nagtatag ng MILF kasama si Salamat, na makikita sa website ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. – Percival Bueser/Rappler.com Si Percival Bueser ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software