About: http://data.cimple.eu/claim-review/e7e99c4758b0f4c8fde558a514a1592d0e48d11f0bb78f84ad0a480c     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ang SPLAT Communications ay isang data analytics firm. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Isa itong pro-BBM-Sara Duterte YouTube channel at hindi ito beripikado ng anumang social media site. Ang kanilang partner, Simplified Strategic Solutions (SSS) TV, ay wala ring kaugnayan sa anumang lehitimong organisasyon. - Bakit kailangan i-fact check: Marami ang sumisipi sa mga ipinalalabas na pahayag ng SPLAT Communications, lalo na sa mga paksang may kaugnayan sa halalan. Ang kanilang YouTube page ay may higit 10,800 subscribers at 1.8 milyon na views sa kabuuan. Mga detalye Kumakalat ngayon sa social media ang posts ng isang umano’y data analytics firm na naglalabas ng pagsusuri ng mga survey na inilathala ng ibang institusyon. Ito ay tinatawag na SPLAT Communications na may katambal na SSS TV, na naglalabas naman ng mga balita tungkol sa sining, mga sikat na personalidad, teknolohiya, at siyensiya. Hindi totoo ang sabi-sabi na data analytics firm ang SPLAT Communications. Ang SPLAT Communications ay isang YouTube channel na naglalabas ng mga video na pabor sa tambalan nina Ferdinand “Marcos” Jr. at Sara Duterte sa pagkapangulo at pangalawang pangulo. Ginawa ang channel na ito noong Oktubre 2021 lamang. Ang kanilang partner, na tinatawag na SSS TV, ay wala ring kaugnayan sa anumang lehitimong organisasyon. Parehong hindi beripikado ang mga entidad na ito sa lahat ng social media sites. Bukod sa pagsusuri ng mga survey na isinasagawa ng ibang institusyon, nagsasagawa rin daw ang SPLAT Communications ng sariling pangangalap ng datos na tinatawag nilang Kalye Survey. Sinasabi nilang mas maaasahan daw ang surveys nila dahil sa dami umano ng mga respondente sa mga ito. Ang mas kakaunting respondents ng lehitimong surveys ay representante ng opinyon ng buong populasyon dahil siyentipiko ang pamamaraan ng pagpili ng respondents. Ang Kalye Survey ay isinasagawa ng iba’t ibang mga vlogger sa YouTube sa piling mga daanan sa bansa at walang sinusunod na metodolohiya. Tulad ng ipinahihiwatig ng pangalan ng mga ito, ang mga “kalye survey” ay isinasagawa gamit ang pakikipagpanayam sa mga taong nagkataong dumaraan sa mga kalye at ang kanilang mga tugon ay pinagsasama-sama upang matawag na “regional preference.” Noong 2021, sinabi ng estadistikong si Dr. Jose Ramon Albert na ang Kalye Survey ay hindi maaaring ituring na pulso ng buong bansa. Ito ay dahil hindi lahat ng botante ay dumadaan sa mga daanang ito. Aniya, ang sapalarang pagkuha ng mga respondente mula sa mga kalye ay hindi rin mapanghahawakang pulso ng mga pinangyarihang lungsod o barangay dahil hindi ito base sa random sampling. Naglabas din ang UP School of Statistics ng pahayag hinggil sa mga survey na walang malinaw na metodolohiya. – Josette Saguiped/Rappler.com Si Josette Saguiped ay isang Rappler intern. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Basahin ito para sa karagdagang detalye tungkol sa internship program ng Rappler. Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software