schema:text
| - SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Buod
- Ang sabi-sabi: 1,000 lamang ang dumalo sa “Pink Sunday” rally ni presidential candidate Leni Robredo at ng kanyang running mate na si Kiko Pangilinan noong Pebrero 13 sa Quezon Memorial Circle.
- Marka: HINDI TOTOO
- Ang katotohanan: Ayon sa Quezon City Police District, nasa 7,000 ang dumalo sa nasabing campaign rally. Mahigit 20,000 naman tantiya mismo ni Robredo.
- Bakit kailangang i-fact-check: Isang post noong Pebrero 14 na naglalaman ng sabi-sabing ito ang mayroon nang mahigit 2,000 na reaksiyon, 256 na komento, at 151 na share nang isulat itong fact check.
Mga detalye
Sa isang Facebook post ng page na “Supporters of BBM Sara” noong Pebrero 14, sinabing fake news daw na dinumog ng 7,000 na katao ang “Pink Sunday” campaign rally nina presidential candidate Leni Robredo at vice presidential candidate Kiko Pangilinan noong Pebrero 13 sa Quezon Memorial Circle.
Ang nasabing post ay mayroong ganitong caption: “Na-fake news po tayo QC Memorial! 7,000 niyo muka niyo. 1,000 lang kayo uy!” Kalakip nito ang isang poster na nakalagay ang mga litrato mula sa araw ng campaign rally. May teksto rin ang poster na: “Rally ng LENI-KIKO, NILANGAW!”
Hindi totoong 1,000 lamang ang dumalo sa “Pink Sunday” campaign rally nina Robredo at Pangilinan.
Tinatayang nasa 7,000 ang nakibahagi sa nasabing campaign rally, ayon sa Quezon City Police District. Sa kanyang speech sa araw na iyon ay sinabi naman ni Robredo na humigit-kumulang 20,000 ang dumalo. Malayo ang mga numerong ito sa 1,000 na sinabi sa Facebook post.
Marami ring bidyo ang nagpapakita sa malaking bilang ng mga tagasuporta nina Robredo at Pangilinan na nakisali sa campaign rally. – Ellen Dee Dego/Rappler.com
Si Ellen Dee Dego ay isang Rappler intern. Ang fact-check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Basahin ito para sa karagdagang detalye tungkol sa internship program ng Rappler.
Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
|