About: http://data.cimple.eu/claim-review/eca1786710172cf8c6e7bc7ba06b329a42581e63fa87b9194e63af14     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Naitago ni Ferdinand Marcos ang ilang bahagi ng mga gintong ninakaw nina Adolf Hitler, yumaong diktador ng Alemanya, at General Tomoyuki Yamashita, heneral ng Imperial Japanese Army. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang ebidensiya sa kasaysayan na may tone-toneladang ginto nga si General Yamashita. Wala ring rekord na may nakuhang “Nazi gold” si Marcos. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 1 milyong views, 60,000 na reaksiyon, at 4,500 komento ang bidyong nagpapakalat ng maling impormasyon sa Facebook. Mga detalye Ayon sa nag-viral na bidyo ng “Kaalam PH,” may mga naitagong ginto ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos. Mula raw ang mga ito sa mga pinagnanakaw na ginto nina Adolf Hitler, yumaong diktador ng Alemanya, at General Tomoyuki Yamashita, heneral ng Imperial Japanese Army, noong kasagsagan ng World War II. Hindi binigyang paliwanag kung paano ito nakuha ni Marcos, pero giit ng vlogger, “950,000 metric tons” ang dami ng naturang ginto. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Sa isang artikulo ni Piers Kelly, isang linguistic anthropologist, ipinunto niya ang kawalan ng malinaw at historikal na batayan na mayroon ngang pisikal na “ginto” si Yamashita. Aniya, walang binanggit na kahit ano ukol dito sa mga naisalin na pag-uusap ng mga militar na Hapon. Noong huling bahagi ng giyera, naging imposible rin ang transportasyon ng ginto sa panahon kung saan mahirap ang akses ng mga ito sa mga lupain maging sa karagatan. Wala ring rekord na may nakuha si Marcos mula sa tinaguriang “Nazi gold.” Sa kasalukuyan, 244,000 metric tons pa lang na ginto ang nadidiskubre sa buong mundo. Malayo ito sa binanggit sa vlog ng “Kaalam PH” na mayroong “950,000 metric tons” ng ginto na nakabaon sa Pilipinas. Una na itong pinabulaanan sa isang artikulo ng Rappler na pinamagatang “HINDI TOTOO: Nagmamay-ari ng ‘milyong tonelada ng ginto’ ang pamilyang Marcos.” – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software