About: http://data.cimple.eu/claim-review/eccb88eec912eda7ca9c1d63fc6aefa2d7a5616a2e752d19e280ddee     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Pumanaw na ang reelectionist senator na si Leila de Lima. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Buhay at patuloy na nangangampanya mula sa Camp Crame Custodial Center si De Lima. Nitong Marso 18 nang hapon, tinuligsa ni De Lima ang fake news na siya ay pumanaw nang. Nang hapon ding iyon, ininterbiyu pa siya ng Rappler tungkol sa kanyang kampanya. - Walang ebidensya na si Leila De Lima ay pumanaw na. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang 250,000 views, mahigit 1,300 shares, at 4,000 komento ang post sa Facebook. Mga detalye Isang Facebook page na nagngangalang “Pilippines Presidente 2022” na may profile picture ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagkakalat ng sabi-sabing si Senator Leila de Lima ay pumanaw na. Ang sabi-sabi sa bidyo, kumakalat na raw sa social media ang balitang pumanaw na si Senator De Lima. May caption itong “BREAKING NEWS : SAWAKAS PDUTERTE SEN.DELIMA . PUMAN4W NA.” Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Buhay at patuloy na nangangampanya mula sa Camp Crame Custodial Center ang reelectionist senator na si De Lima. Nitong Marso 18 nang hapon, tinuligsa ni De Lima ang fake news na siya ay pumanaw nang. Nang hapon ding iyon, ininterbiyu pa siya ng Rappler tungkol sa kanyang kampanya. Noong Marso 16, sinabi rin campaing manager ni De Lima sa Philstar: “The senator is alive and well. In fact, she was just interviewed by three media outlets yesterday (Tuesday) at the PNP Custodial Center, Camp Crame.” (Buhay at mabuti ang kalagayan ng senadora. Kahapon (Martes) lamang ay may interbiyu siya sa tatlong media outlet sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.) Sa kanyang pahayag nitong Biyernes, Marso 18, sinabi ni De Lima sa Ingles na “higit pa sa pagkondena” ang dapat gawin sa mga taong “nagpapakalat ng mga kasinungalingan para idiskaril ang aking kampanya.” Aniya, “hindi pa sapat” para sa mga ito na siya’y ipinakulong at pinagbabawalang lumabas para mangampanya at sumali sa mga debate mula sa kanyang kulungan. Ayon kay De Lima, determinado siyang dalhin sa korte ang isyung ito sa tamang panahon. “Hindi dapat payagang magpatuloy ang ganito. Sinabihan ko ang aking legal team na magsampa ng kaso laban sa nagpapakalat ng pekeng balita na ito.” Si Senator De Lima ay ipinakulong ng administrasyong Duterte kaugnay ng paratang na nakipagsabuwatan siya sa mga drug lord na nakakulong sa Bilibid – paratang na, ayon kay De Lima, ay inimbento ng Pangulo. Matatandaang noong chairperson ng Commission on Human Rights si De Lima ay inimbestigahan niya ang mga pagpatay na iniuutos umano ni Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang Davao Death Squad. (BASAHIN: THE LASCAÑAS AFFIDAVIT | ‘I killed for Duterte’) Nang maging senador, si De Lima rin ang nagsulong ng imbestigasyon sa mga pagpatay kaugnay ng drug war ni Pangulong Duterte. Tumatakbo muli sa pagkasenador si De Lima ngayong 2022. Kasama siya sa slate ng Robredo-Pangilinan tandem. – Renzo Arceta/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software