About: http://data.cimple.eu/claim-review/f22907d923f1c3927a9c34f9f3b390a6e9d6737d6831d6838c3cad26     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ang Kontra Daya ay isang “above” at “legal front” na organisasyon ng partidong komunista. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ang Kontra Daya ay organisasyong binubuo ng mga grupo mula sa iba’t ibang mga sektor, na ang layunin ay bantayan at i-report ang anumang mangyayaring dayaan o karahasan sa panahon ng kampanya at eleksiyon. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, ang video na naglalaman ng naturang sabi-sabi ay umani na ng mahigit 18,000 views sa YouTube. Ang sabi-sabi ding ito ay isang paraan ng red-tagging na maaaring magpahamak sa isang grupo o indibiduwal. Mga detalye Noong Mayo 24, ipinaskil ni “Coach Jarret” sa kanyang YouTube channel ang video na may pamagat na “HINDI PALA NATUPAD NI PRES DUTERTE ANG PANGAKONG MALINIS NA ELEKSYON? SINO MAY SABI?!” Nilalaman ng mahigit 24 minutong video na ito ang sabi-sabi at alegasyon na ang Kontra Daya ay kasapi at isang legal front na organisasyon ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Hindi ito totoo. Ang Kontra Daya ay isang organisasyon na binubuo ng mga grupo mula sa iba’t ibang mga sektor. Kabilang sa mga layunin ng Kontra Daya ay ang pagkaisahin ang iba’t ibang hanay o grupo laban sa dayaan sa eleksiyon, magbigay ng voters education, at aktibong makipag-usap sa iba’t ibang mga ahensya, gaya ng Commission on Elections, kaugnay ng mga ipinapatupad na panukala sa eleksiyon. Ang alegasyon na ito ni Coach Jarret sa Kontra Daya ay nagmula sa inilabas na balita ng INQUIRER.net noong Mayo 20 tungkol sa inilabas na interim report ng International Observer Mission noong Mayo 19 para sa nangyaring eleksiyon noong Mayo 9. Ayon sa report ng IOM, marami ang naitalang kaso ng vote-buying, red-tagging, at karahasan noong nagdaang halalan. Ang inisyatibong ito ng IOM ay proyekto ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP). May alegasyon din si Coach Jarret, ang IOM, ICHRP, at Kontra Daya ay mga grupo at organisasyong kasapi ng CPP-NPA-NDF, ayon umano kay “Ka Eric.” Si Ka Eric ang nagpapakilalang dating miyembro ng NPA na ngayon ay nagtatrabaho para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Kilala ang NTF-ELCAC na tahasang nanre-red-tag ng mga indibiduwal at grupo na kritikal sa gobyerno. (BASAHIN: FACT CHECK: Red-tagging, hindi banta sa buhay ayon kay Lorraine Badoy) – Erick Prynze Sazon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software