About: http://data.cimple.eu/claim-review/f48c19d3426089976aa6729fa423962ba2f46bf6e464896f1078c0a7     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Si Senador Leila de Lima ang gumawa ng paraan para makasuhan at makulong si retired Major General Jovito Palparan. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Korte sa Bulacan ang nag-utos na ikulong si Palparan matapos itong hatulan na guilt sa kidnapping at serious illegal detention. - Bakit kailangang i-fact check: Nang isulat ang fact check na ito, umabot na sa mahigit 31,000 views ang video na naglalaman ng naturang kasinungalingan na ipinaskil sa YouTube. Mga detalye Ipinaskil noong Hunyo 2 ng YouTube channel na “PH BREAKING NEWS” ang mahigit 26-minutong video na may pamagat na “JUST IN: GENERAL PALPARAN GINULAT SI DELIMA! MATINDING REBELASYON REYNA NG BILIBID SI DELIMA!” Laman nito ang interbiyu ni retired Major General Jovito Palparan sa SMNI kaugnay ng mga kaso nito. Mapapanood din sa video si Presidential Communications Undersecretary at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy. Paglalahad ni Palparan kay Badoy, si Senador Leila de Lima, na dating kalihim ng Department of Justice (DOJ), ang dahilan kaya siya kinasuhan at nakakulong ngayon. Hindi na makita ang orihinal video ng “PH BREAKING NEWS,” pero may iba pang video na naglalaman nitong sabi-sabi at may kaparehong pamagat. Hindi ito totoo ang sabi-sabi ni Palparan sa video. Hunyo 26, 2006, nang dukutin ng mga hindi kilalang kalalakihan ang dalawang estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan sa Hagonoy, Bulacan. Nang sila ay dinukot, si Cadapan ay community organizer ng Alyansang Magbubukid ng Bulacan, samantalang si Empeno ay nagsasagawa ng fieldwork para sa kanyang thesis na may kaugnayan sa dinadanas ng mga magsasaka sa Bulacan. Ayon sa mga saksi, si Palparan ang nasa likod ng pagkawala ng dalawang estudyante. 2011 nang maglabas ng arrest warrant sa kasong kidnapping at serious illegal detention ang Bulacan Regional Trial Court (RTC) Branch 14 laban kay Palparan at sa mga kasamahan niyang sina Lieutenant Colonel Felipe Anotado, Master Sergeant Rizal Hilario, at Staff Sergeant Edgardo Osorio. 2018 nang ibigay ng Malolos RTC Branch 15 ang hatol nitong guilty kina Palparan, Anotado, at Osorio, at nito lamang Mayo 31, 2022, pinagtibay pa ng Court of Appeals (CA) ang hatol na ito kay Palparan at sa mga kasamahan nito. Si Palparan ay nahuli lamang noong 2014, halos tatlong taon matapos nitong magtago sa mga awtoridad. Binatikos naman ng mga aktibista at media ang interbiyung ito ni Palparan sa SMNI, na pagmamay-ari ng kilalang pastor na si Apollo Quiboloy na mayroong mga kaso ng pang-aabuso at trafficking sa United States. Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi ipinaalam sa DOJ ang nangyaring interbiyu, sinabi rin nito na nagkaroon din ng kapabayaan ang Bureau of Corrections (BuCor) sa pangyayari. Basahin ang iba pang mga fact check kaugnay ng mga istorya kay Palparan: - BASAHIN: HINDI TOTOO: Biktima lamang si Palparan ng kampanya ng communist party - FALSE: Palparan did not get media attention in prison before SMNI interview – Erick Prynze Sazon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software