About: http://data.cimple.eu/claim-review/f5e18a9ed106aaddcb17a3c690cb23adb7926c37c2f231b263794579     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Naging bihag ng mga komunista ang dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na si Salvador Lopez noong “Diliman Commune” noong 1971. - Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan – ABKD sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito. - Ang katotohanan: Patuloy na namuno si Lopez sa unibersidad sa panahon ng Komuna, at nagsilbing negosyador sa pagitan ng mga kabataang aktibista at ng pamahalaang Marcos. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, umabot na sa 23,420 views, 989 likes, at 81 comments ang nasabing kasinungalingan. Mga detalye Sa isang video sa YouTube, muling pinaingay ang pahayag ni Juan Ponce Enrile, defense minister at tagapagpatupad ng Martial Law ni Ferdinand E. Marcos, na ginawang bihag ng mga komunista ang dating presidente ng UP na si Salvador Lopez sa kasagsagan ng Diliman Commune noong 1971. Aniya, “No one could go in and out of the place. Permission from the Commune was required. UP president Salvador Lopez became a virtual prisoner in his university.” (Walang nakakapasok at nakakalabas sa lugar. Kailangan ng permiso mula sa tagapamahala ng Komuna. Naging bihag si UP President Salvador Lopez sa kaniyang sariling unibersidad.) Kasinungalingan ito. Patuloy na namuno si Lopez sa unibersidad sa panahon ng Komuna, at nagsilbi rin siya bilang negosyador sa pagitan ng mga kabataang aktibista at ng pamahalaang Marcos. Matatandaang nakasama rin ng dating presidente ng UP ang si Enrile sa isang pagpupulong ng Peace and Order Council ng gobyerno. Bilang pangulo ng unibersidad, tumindig at nakiisa si Lopez sa mga estudyante laban sa panghihimasok ng mga pulis sa pamantasan. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software