About: http://data.cimple.eu/claim-review/f659ce9203610f05bd99c3c927259da066b4ccd6d801d95f0fc59365     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Nakatuon sa mga paglabag sa karapatang pantao ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ulat ng US State Department dahil ibinabase nila ang mga ito sa mga ulat ng Karapatan, na panakip lamang ng Communist Party of the Philippines (CPP). - Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na una nang ibinigay ng AlterMidya sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito. - Ang katotohanan: Limang dekada nang naglalabas ng “Country Reports on Human Rights Practices” ang US State Department. Isa lamang ang Karapatan sa maraming organisasyon na nag-aambag ng impormasyon at pagsasaliksik, at hindi front ng CPP ang Karapatan. - Bakit kailangang i-fact-check: Ipinaskil bilang artikulo ang naturang kasinungalingan sa website ng Sonshine Media Network International, kaya maaaring paniwalaan ito ng mga sumusubaybay sa naturang pahina. Kilala rin ang SMNI sa gawain nitong mang-red tag ng mga kritiko ni Duterte. Mga detalye Sa inilathalang artikulo ng SMNI noong Abril 28, pinaratangan nila ang United States State Department na “biased” laban sa administrasyon ni Duterte dahil sa pagtutuon umano nito ng pansin sa mga paglabag sa karapatang pantao ng mga pulis at militar, partikular ang nagaganap na extra judicial killings. Ang basehan ng sabi-sabi, ayon sa nagpakilalang Jeffrey Celiz, na umano’y dating miyembro ng Communist Party of the Philippines, ay dahil nakabatay ang US report sa ulat ng Karapatan, na aniya ay front ng CPP. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Limang dekada nang naglalabas ang US State Department ng ulat ukol sa kalagayan ng karapatang pantao sa iba’t ibang panig ng mundo, ayon sa “Country Reports on Human Rights Practices for 2021” nito. Bukod sa ulat sa kalagayan sa Pilipinas, tinutukan din ng report ang iba pang gobyernong nagsasagawa ng hindi makatarungang pagpapakulong, pagpapahirap, at pamamaslang sa mga oposisyon, aktibista, tagapagtanggol ng karapatang pantao, at mamamahayag. Iba’t ibang institusyon ang pinagmulan ng komprehensibong ulat ukol sa kalagayan sa Pilipinas; isa lamang ang Karapatan sa mga ito. Kabilang sa sources ng report ang Center for Law of Armed Conflict (dating Human Rights Office) ng sandatahang lakas ng Pilipinas, Commission on Human Rights, Amnesty International, Human Rights Watch, Department of Justice, at maging ang mismong Philippine Drug Enforcement Agency. Hindi rin totoo ang sabi-sabi na panakip lamang ng CPP ang Karapatan. Kinikilala ng US State Department ang Karapatan bilang isang lehitimong non-government organization na nagsusulong ng pagtatanggol sa karapatang-pantao. (BASAHIN: In unique suit, Karapatan says red-tagging a crime against humanity by persecution) – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com kasama nina Maez Estrada at Joseph Gloria/AlterMidya Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software