About: http://data.cimple.eu/claim-review/fbfb6af615e2630b2e79790d47b9c35afbb0ba6efb2cccd7c9e8a447     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ikinakampanya na raw ni Davao City Mayor Sara Duterte ang tambalang Bongbong Marcos at Rodrigo Duterte para sa susunod na eleksiyon. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang opisyal na pahayag si Sara Duterte na ikinakampanya ang tambalang Marcos-Duterte para sa susunod na halalan. Sa isang bidyo sa kanyang Facebook page, hinimok niya lang ang taumbayan na suportahan ang amang si Rodrigo Duterte sa balak nitong pagtakbo bilang bise presidente. - Bakit kailangang i-fact-check: Namataan sa Crowdtangle ang link ng YouTube bidyo na mayroon nang 1,705 views nang naisulat itong fact check. Makikita rin ang bidyo sa Facebook page na “Maharlikan atin toh,” na kasalukuyan na ring mayroong 971 reactions, 153 comments, at 61 shares. Mga detalye Isang bidyo na mula sa YouTube channel na “TRENDING VIRAL TODAY” ang nagsasabing: “KAKAPASOK LANG MAYOR SARAH KINAMPANYA NA ANG MARCOS-DUTERTE SA 2020 TAOB LAHAT ANG KALABAN NITO.” Lumabas ang bidyo noong Setyembre 17. Tinutukoy ng bidyo ang tambalang Bongbong Marcos at ang ama ni Sara na si Rodrigo, ang kasalukuyang presidente ng bansa. Namataan sa Crowdtangle ang link ng bidyo mula sa YouTube, na mayroon nang 1,705 views nang naisulat itong fact check. Makikita rin ang bidyo sa Facebook page na “Maharlikan atin toh,” na kasalukuyan na ring mayroong 971 reactions, 153 comments, at 61 shares. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Galing sa opisyal na Facebook page ni Sara Duterte ang pahayag na ginamit sa nasabing YouTube bidyo. Inilabas ito noong Setyembre 15, kung saan nagpasalamat ang alkalde sa humigit-kumulang 700 parallel groups na naghihikayat na tumakbo siya bilang pangulo ng bansa. Sa bandang 1:22 ng orihinal na bidyo, sinabi ni Sara, “Ibigay po natin sa kanya ang pinakamalakas nating suporta sa kanyang desisyon na tumakbong vice president.” Sa bidyong ito, hindi niya binanggit ang pagkampanya kay Marcos at sa tambalang Marcos-Duterte para sa 2022. Wala ring naging pahayag ng pagsuporta ang alkalde para sa nasabing tambalan. Noong Agosto 24, tinanggap ni Rodrigo ang nominasyon ng kanyang partidong PDP-Laban na tumakbo siya bilang bise presidente sa susunod na halalan. Hindi pa pormal ang kanyang kandidatura dahil hindi pa siya nagpa-file ng certificate of candidacy, at hindi pa nailalabas ang opisyal na listahan ng mga kandidato sa eleksiyon. Si Senador Bong Go naman ang napili ng PDP-Laban na tumakbo bilang pangulo, ngunit tinanggihan nito ang nominasyon. Sa kasalukuyan, walang anumang opisyal na anunsiyo tungkol sa tambalang Marcos-Duterte. Hindi pa rin opisyal na nagpapahayag ng pagtakbo si Marcos sa bilang pangulo ng bansa. Sa Oktubre 1 hanggang 8 ang panahon ng pagpasa ng mga certificate of candidacy. – Dianne Sampang/Rappler.com Si Dianne Sampang ay isang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 2 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software