About: http://data.cimple.eu/claim-review/0aec62e0cd33af5e7b5c8ac6f212bf9741b86bea079c1ecd2be2dba0     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Rappler ang nagsulat ng fact check article na binatikos ni Ormoc City Mayor Richard Gomez. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ang nag-fact-check sa pahayag ni Gomez na si Ferdinand Marcos Jr. lang ang kandidato sa pagkapangulo na tumulong sa Ormoc ay ang PressONE.PH. Sinang-ayunan ng Rappler ang rating, at binanggit sa isang news report ang fact check ng PressONE.PH. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 1,600 reaksiyon, 278 komento, at 27,543 views ang bidyo sa YouTube na naglalaman ng sabi-sabing ito. Mga detalye Isang bidyo noong Marso 1 ng YouTube channel “Junesday Vlog” ang nagsasabi na ang online news website na Rappler ang sumulat ng fact check article na binatikos ni Ormoc City Mayor Richard Gomez. Sinabi ng lalaki sa 13:11 timestamp ng bidyo ang linyang “Itong Rappler na binatikos ni Richard Gomez, totoo po ‘yon dahil mali ang fact check nila, nitong Rappler.” Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 1,600 reaksiyon, 278 komento, at 27,543 views ang bidyo sa YouTube. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Nang sabihin ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na si Ferdinand Marcos Jr. lang ang natatanging kandidato sa pagkapangulo na tumutulong sa Ormoc tuwing may kalamidad o emergency, agad na sumulat ng fact check article ang online news website na PressONE.PH. Sinang-ayunan ng Rappler ang rating, at binanggit sa isang news report ang fact check ng PressONE.PH. Ngunit sa isang bidyo ng YouTube channel na “SHOWBIZ CHIKA-DORO,” sinabi ni Gomez na Rappler ang nag-fact check sa kaniya. Limang beses pa nitong binanggit ni Gomez sa naturang interbiyu. Muli siyang na-fact-check ng PressONE.PH: “Gomez’s claim that Rappler originally published the fact-check story is FALSE. The story Gomez was referring to was published on Feb. 3 on PressONE.PH, which is a member of the fact-checking coalition #FactsFirstPH.” (Hindi totoo ang sabi-sabi ni Gomez na Rappler ang orihinal na naglabas ng fact check story. Ang istoryang tinutukoy ni Gomez ay nilabas noong Pebrero 3 sa PressONE.PH, na miyembro ng fact-checking coalition na #FactsFirstPH.) Gumawa ng fact check ang Tsek.ph tungkol sa maling akala ni Mayor Gomez. Ang Rappler at PressONE.PH ay kasama sa #FactsFirstPH coalition, kung saan nagtutulungan ang halos 120 organisasyon na magsagawa ng fact-checking ang at panagutin ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan sa social media. Napagkasunduan ng news organizations sa #FactsFirstPH na banggitin, gamitin, o muling ilathala ang fact checks ng mga kasapi upang mas mapalaganap ang katotohanan. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software