About: http://data.cimple.eu/claim-review/1f8371861d55522091fa143cfd250af7edfc167a6bce95c2cd08a8c2     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Aprobado na ang panukalang batas na magpapalit ng pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Manila International Airport (MIA). - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Hindi pa naaaprobahan ng Kongreso ang House Bill 10833 na inihain ng kinatawan ng Duterte Youth na si Ducielle Cardema. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact-check na ito, nakakuha na ang post na ito ng 21,000 likes at 2,676 comments. Mga detalye Noong Abril 23, nagpost ang YouTube page na “Filipino Future” ng sabi-sabi na naaprobahan na ng Congress ang House Bill 10833 na inihain ng kinatawan ng Duterte Youth na si Ducielle Cardema. Ayon sa caption ng Filipino Future: “KAPAPASOK LANG NA BALITA! Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ibinalik na sa orihinal na pangalan nito bilang ‘Manila International Airport’ (MIA) sa bisa ng House Bill No. 10833 na ipinakilala ng Duterte Youth Partylist Rep. Cardena (sic).” Ang larawang nagpapakita ng HB 10833 ay nanggaling sa Facebook page ng Duterte Youth party-list group. Nang isulat ang fact-check na ito, nakakuha na ang post na ito ng 21,000 likes at 2,676 comments. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Ayon sa isang ulat ng Philippine News Agency, ang HB 10833 ay inihain noong Abril 11, at ipinalabas ito sa media noong Abril 16. Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na kailangan muna ng kilos mula sa Kongreso upang ipatupad ang HB 10833. Noong Nobyembre 27, 1987, pinalitan ang pangalan ng MIA sa NAIA. Nagkaroon ng Republic Act 6639 sa ilalim ng administrasyon ni pangulong Corazon Aquino. Nais ng kasalukuyang HB 10833 na ipawalang-bisa ang RA 6639. Sa ngayon, hindi pa rin naaaprobahan ng Kongreso ang HB 10833. Nananatili pa rin ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Noong Agosto 27, 2020, nagpetisyon din ang abugadong si Larry Gadon na palitan ang pangalan ng NAIA sa MIA. Subalit ibinasura ito ng Korte Suprema. – Victoria Rufo/Rappler.com Si Victoria Rufo ay isang Rappler Mover. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software