About: http://data.cimple.eu/claim-review/2c9ffb06a3c4c504b7da7796db3e8c2c4c61c1e7f81a5adbb0223e57     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Nakasaad sa Treaty of Paris na pirmado umano ng 36 na bansa ang 100,000 metrikong toneladang gintong pag-aari ng sambayanang Pilipino at ang pagiging benepisyaryo ng Pilipinas sa lahat ng kayamanan sa mundo. May larawan din sa post ng umano’y Treaty of Paris na pinirmahan noong Marso, 19, 1972. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 484 na share, 333 na komento, at 511 na reaksiyon. Ang katotohanan: Sangkot lamang ang Pilipinas sa Treaty of Paris na pinirmahan noong 1898. Bukod sa walang rekord ng kasunduang pinirmahan noong 1972, mapatutunayang peke ang dokumento sa post dahil sa ilang pangalang nakasaad na pumirma rito. Taong 1981 hanggang 1985, hindi 1972, nagsilbi bilang embahador ng Amerika sa United Nations si Jeane J. Kirkpatrick, habang taong 1982 hanggang 1986 naman naging vice chair ng Board of Governors ng Federal Reserve System si Preston Martin. Nilalaman ng Treaty of Paris noong 1898: Ang Treaty of Paris noong 1898 ay kasunduan sa pagitan ng Amerika at Espanya kung saan ibinenta ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika sa halagang $20 milyon. Bukod sa pagbebenta ng PIlipinas, nakasaad din sa nasabing kasunduan na ibinibigay ng Spain sa Amerika ang Cuba, Puerto Rico, mga isla sa West Indies, at Guam. Hindi nakasaad sa nasabing kasunduan na pinirmahan noong 1898 na mayroong 100,000 metrikong toneladang ginto ang sambayanang Pilipino, maging ang pagiging benepisyaryo ng Pilipinas sa lahat ng yaman sa mundo. – Ailla dela Cruz/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software