About: http://data.cimple.eu/claim-review/32429e5d7a83716399487372cdd407c112416ee10be6e770f7112b87     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Ang kautusan ni Pope Francis na ilipat ang mga ari-arian ng Vatican sa kanilang bangko sentral ay kaugnay ng napipintong pagkawala ng US dollar sa international monetary system. Sinabi sa video na naglalaman ng sabi-sabi: “Ang hindi alam ng marami, ito na ang hudyat ng napipintong tuluyang pagkabura ng US dollar sa international financial system ng buong mundo… [nito] lang Agosto, ipinag-utos ni Pope Francis na kailangang maibalik na [ang] lahat ng mga assets ng Vatican na sa iba’t ibang mga bansa sa kanilang central bank bago magtapos ang September 30, 2022.” Marka: HINDI TOTOO Ang katotohanan: Noong ika-23 ng Agosto ay naglabas ng opisyal na anunsiyo si Pope Francis na nag-uutos na ilipat ang lahat ng ari-arian ng Holy See, gobyerno ng Vatican, sa Institute for the Works of Religion (IOR), alinsunod sa isinasaad ng Article 219 (3) ng kanilang Apostolic Constitution. Isinasaad sa Article 219 (3) na ang pamamahala at pangangasiwa sa mga ari-arian ng Holy See ay gampanin ng IOR. Sa nasabing anunsiyo ipinag-utos ni Pope Francis na ang lahat ng ari-arian ng kanilang gobyerno na nasa pangangalaga ng ibang institusyong pampinansiyal ay dapat ilipat sa IOR bago magtapos ang ika-30 ng Setyembre 2022. Bagong investment policy: Ang kautusang ito ay sumunod sa naunang inanunsiyong bagong investment policy ng Vatican noong Hulyo 2022. Ipinag-uutos ng naturang polisiya na simula sa ika-1 ng Setyembre, ang lahat ng investment, maging ang mga security deposit na nasa dayuhang bangko, ay dapat ilipat sa IOR na siyang pangangasiwaan ng Administration of the Patrimony of the Apostolic See (APSA). Dahil sa milyong euro na pagkalugi: Ang mga nabanggit na kautusan ng Holy See ay kaugnay sa pagsesentralisa ng Vatican sa mga ari-arian nito matapos ang naging 140 milyong euro na pagkalugi sa investment ng Secretariat of State ng Vatican sa isang London building noong 2021. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software