About: http://data.cimple.eu/claim-review/48ef83e311017a1b1a7ab8e44f725a85fa096be5de266a41b060ae83     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Tumigil na ang pagpaslang sa mga katutubo nang maitatag ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). - Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng AlterMidya sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito. - Ang katotohanan: Patuloy ang pagpatay sa mga katutubo, sibilyan, at progresibong grupo sa panahon ng NTF-ELCAC. Ang mga rehiyon na may mga barangay na nakatanggap ng “Barangay Development Program (BDP)” o pondo mula sa NTF-ELCAC ay siya ring mga rehiyon na nagtala ng pinakamaraming extrajudicial killings at politikal na pag-aresto. - Bakit kailangang i-fact-check: Ginagamit ang kasinungalingang ito para pagtakpan ang sunod-sunod at iba’t ibang paraan ng pag-atake ng NTF-ELCAC sa mga itinuturing nilang kalaban ng estado. Mga detalye Noong Pebrero 2022, nagpaskil sa Facebook ang Sonshine Media Network International (SMNI) ng pahayag ni Gaye Florendo, assistant spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, na nagsasabing “nawala na” ang pagpatay sa mga katutubo magmula nang maitatag ang NTF-ELCAC. Ani Florendo: “Kung anong nangyayaring recruitment, indoctrination ng ating mga IP in Surigao na as late as 2019, may namo-monitor tayong mga killings ng mga IP leaders natin. Fortunately, when NTF-ELCAC started, nawala na itong mga killings na ito. Same stories na naririnig natin in several areas in Mindanao.” Dagdag pa nito: “Kaya ngayon lang nakita ang sitwasyon na ito at matutuwa ka because in just 2 years, ang nangyari is natigil, very decisive ‘yung NTF-ELCAC action.” Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Marami nang naitalang kaso ng panre-red-tag, pananakot, at pagpatay sa mga katutubo, sibilyan, at progresibong grupo magmula nang maitatag ang NTF-ELCAC noong 2018. Ang NTF-ELCAC ang institusyon na ginastusan ng bilyong-bilyong piso ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa ilalim ng Executive Order No. 70, upang sugpuin umano ang “komunismo” sa bansa. (BASAHIN: HINDI TOTOO: Hindi banta sa buhay ang ‘red-tagging’) Ayon sa datos ng Karapatan, ang mga rehiyon – kagaya ng Davao, Caraga, Northern Mindanao, Western Visayas, and Soccsksargen – kung saan nakatanggap ang mga barangay ng “Barangay Development Program (BDP),” o pondo mula sa NTF-ELCAC, ay siya ring mga rehiyon na nagtala ng pinakamaraming extrajudicial killings at politikal na pag-aresto. Nitong Pebrero lamang, pinaslang si Gelejurain “Jurain” Ngujo II, isang gurong Lumad, kasama nina Chad Booc, kapwa guro ng mga katutubo, sa umano’y “engkuwentro sa komunistang grupo” at ng mga militar. Pinabulaanan ito ng Save Our Schools (SOS) Network, na nagsabing nasa Mindanao ang naturang grupo para sa pananaliksik. (BASAHIN: HINDI TOTOO: Ni-recruit ni Chad Booc ang mga kabataang katutubong kasama niya sa Cebu) Noong 2021 naman, pinaslang ng militar sa Surigao del Sur ang tatlong Lumad-Manobo na sina Willy Rodriguez, Lenie Rivas, at Angel Rivas, ayon sa Karapatan. Katulad ng ulat kina Ngujo II at Booc, muling iginiit ng militar na armado ang mga indibiduwal at napilitan lamang lumaban ang mga sundalo. Gayunpaman, marapat idiin na isa sa mga pinaslang, si Angel, ay estudyante lamang sa ika-6 na baitang. Sa ulat noong 2019 ng United Nations secretary-general at ng UN High Commissioner for Human Rights, binanggit na tinatayang 600 katao ang pinaratangang “de facto terrorists” sa isang kasong isinampa ng Department of Justice (DOJ) ng Pilipinas. Kasama sa mga pinaratangan ang mga kilalang tagapagtanggol ng karapatang pantao at kinatawan ng mga katutubo sa bansa. Ayon naman sa ulat ng Commission on Human Rights (CHR) noong 2020, ang mga biktima ng red-tagging sa bansa ay siya ring hinarass, sinampahan ng gawa-gawang kaso, o pinatay. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com kasama nina Vanessa Adolfo at Jamaica Marciano/AlterMidya Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software