About: http://data.cimple.eu/claim-review/5989fb6cfe3e2691b8140e49796668537fb8ebaf56b6e068da29c58a     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Nagsanib-puwersa ang mga komunista at ang Central Intelligence Agency (CIA) para hindi makabalik sa puwesto ang mga Marcos, partikular na ang anak ng yumaong diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Malabong magsabuwatan ang CIA at ang mga komunista. Sa isang declassified na dokumento mula sa CIA noong 1985, itinuring ng naturang institusyon na “principal threat” sa mga base ng Estados Unidos ang mga komunista sa Pilipinas. Samantala, noong 2017, ibinalita ng National Democratic Front ang umano’y pakikipagsabwatan ng CIA sa Armed Forces of the Philippines upang pagtangkaang patayin si Jose Maria Sison, ang tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines. - Bakit kailangang i-fact-check: Umabot na sa 1,600,000 ang nakakita ng nasabing kasinungalingan sa Facebook nang maisulat ang fact check na ito. Mga detalye Ayon sa isang post sa Facebook, nagsanib-puwersa ang Central Intelligence Agency (CIA) at ang mga komunista sa Pilipinas upang harangin ang pagbabalik ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., anak ng yumaong diktador, sa kapangyarihan. Ang sabi nito, “LAHAT NG BUONG PUWERSA NG DIMONYONG KUMUNISTA AT CIA NG AMERIKA NA NAGSANIB-SANIB AY GAGAMITIN NILA WAG LANG MAKABALIK ANG MARCOS SA KAPANGYARIHAN.” Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Malabong magsanib-puwersa ang CIA at ang mga komunista. Sa isang declassified na dokumento ng CIA noong 1985, na pinamagatang, “Communist Insurgency in the Philippines: Organization and Capabilities,” itinuring ng naturang institusyon na banta ang mga komunista sa mga base ng Estados Unidos. Ayon sa kanila, “the [New People’s Army] is much more likely to selectively target US personnel or attempt to place bombs in US installations [than the Philippine army].” (Mas mataas ang tiyansa na atakihin ng New People’s Army ang mga tauhan ng Estados Unidos, o magtangkang maglagay ng bomba sa mga instalasyon ng US, kaysa sa militar ng Pilipinas.) Ang New People’s Army, o NPA, ang armadong sangay ng Communist Party of the Philippines (CPP). Samantala, noong 2017, naglabas ng impormasyon ang National Democratic Front sa umano’y pakikipagsabuwatan ng CIA sa AFP upang pagtangkaang patayin si Jose Maria Sison, tagapagtatag ng CPP. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software