schema:text
| - SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Buod
- Ang sabi-sabi: Ibinalita ng ABS-CBN na uuwing nakaeroplano sa Davao City si vice president-elect Sara Duterte araw-araw mula Manila.
- Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang naibigay ng ABS-CBN para sa sabi-sabing ito.
- Ang katotohanan: Walang ibinalita ang ABS-CBN sa kahit anong platform na magpapabalik-balik si Sara Duterte araw-araw mula Davao patungong Manila sakay ng eroplano kapag naupo na siya bilang pangalawang pangulo.
- Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, umabot na sa mahigit 303 na reaksiyon, 57 na komento, at 3,956 na views ang post na naglalaman ng sabi-sabing ito sa YouTube.
Mga detalye
Ayon sa isang post noong Hunyo 19 sa YouTube channel “Streetwise with Takeru Miyamoto,” naglabas ng balita ang ABS-CBN na araw-araw uuwi sa Davao City nang nakaeroplano si vice president-elect Sara Duterte kapag nanunungkulan na sa Manila.
Hindi totoong ibinalita ito ng ABS-CBN.
Nilinaw ng ABS-CBN sa kanilang fact check na hindi nila ibinalita ang paratang ng lalaki sa video.
Tinutukoy ng lalaki sa video ang isang balita ng ABS-CBN tungkol sa plano ni Duterte na manatili sa Davao kapag naupo na siya sa puwesto. Walang sinabi sa report na mag-eeroplano si Duterte araw-araw.
“Actually hindi naman ako nagpapaalam sa kanila (Davaoeños) because I will continue on dito nakatira sa Davao City, but I only work in Metro Manila,” sabi ni Duterte sa interbiyu na ibinalita ng ABS-CBN. – Lorenz Pasion/Rappler.com kasama ni Ciara Annatu ng ABS-CBN Investigative & Research Group
Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
|