About: http://data.cimple.eu/claim-review/66c33532931ca9c687dee04ed8b44c04eea6bd944c8dc57535dc82d8     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Nakamit ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang unang gantimpala sa Gawad Alab Haraya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) noong 2002. - Marka: HINDI TOTOO - Ang Katotohanan: Hindi kasama si Marcos sa walong indibiduwal at institusyon na may kinalaman sa makasining na paggawa ang kinilala at nagkamit ng Gawad Alab Haraya noong 2002. Hindi ginawaran ng NCCA ng “unang gantimpala” si Marcos. Ang institusyong Museo Ilocos Norte ang kinilala ng komisyon bilang Outstanding Cultural Conservation Program-Adaptive Reuse. - Bakit kailangang i-fact-check: Sa ngayon, mayroon nang 9,800 reactions, 1,300 comments, at 5,700 shares ang Facebook post na naglalaman ng sabi-sabing ito. Mga detalye Sa isang Facebook post na muling nag-viral, isa sa listahan ng mga ibinibidang proyekto’t parangal na mayroon ang anak ng yumaong diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay ang umano’y nakamit niyang “Gawad Alab Haraya” mula sa NCCA noong 2022. Nakalagay din sa opisyal na website ni Marcos Jr., sa ilalim ng “accomplishments” bilang dating gobernador at bise gobernador ng Ilocos Norte, ang nasabing parangal. Nagkamit siya umano ng “unang gantimpala” sa “pambansang antas” noong 2002. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 9,800 reactions, 1,300 comments, at 5,700 shares ang nasabing Facebook post. Hindi totoo ang sabi-sabi. Hindi ginawaran si Marcos Jr. ng Gawad Alab Haraya. Wala ring “unang gantimpala” para sa nasabing parangal. Ang Gawad Alab Haraya ay iginagawad ng National Commission for Culture and the Arts (o NCCA) para kilalanin ang kagila-gilalas na nagawa sa sining, konserbasyong-kultural, at iba pang kaugnay na larangan. Mula sa opisyal na website ng naturang institusyon, sa ilalim ng seksiyon ng “Gawad Alab Haraya” at “Dangal ng Haraya,” makikitang mayroon lang walong pinarangalan noong 2002. Ito ang mga sumusunod: - Hermino S. Beltran Jr. for Outstanding Published Feature on Culture and the Arts; - Dagya at ang Alamat ni Nogas Kag ni Anini for Outstanding Published Creative Works; - Komiks: Katha at Guhit ni Francisco V. Coching for Outstanding Exhibition Design and Curatorship; - Likhaan: The U.P. Creative Writing Center for Outstanding Arts Management Program; - Merry Wives of Manila by Dulaang U.P. Mga Kwento Asyano by the Philippine Education Theater Association (PETA) for Outstanding Production in Theater; - Museo llocos Norte for Outstanding Cultural Conservation Program-Adaptive Reuse; - Tambol at Padyak by Tony Fabella for Outstanding Choreography in Dance and; - Three Centuries of Binondo Architecture, 1594-1898: A Socio-Historical Perspective written by Lorele D. C. de Viana for Outstanding Published Cultural Research Ang Museo Ilocos Norte ang nakatanggap ng Gawad Alab Haraya noong 2022, hindi si Bongbong Marcos Jr. Ang prestihiyosong parangal ay iginawad sa grupong nasa likod ng museo dahil sa kanilang natatanging kontribusyon para sa rehabilitasyon ng lumang gusali ng Tabacalera. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 2 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software