About: http://data.cimple.eu/claim-review/989557255e40e25c7751d6c455cb5a79d0e9df485b03a4bb73b8c72b     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Umaksiyon na si dating ACT-CIS representative at ngayo’y Benguet Representative Eric Yap at nagpanukalang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Nakalagay sa pamagat ng isang video na inilathala noong Enero 25: “KAKAPASOK LANG GRABE! PRES MARCOS BIGLAANG NILUSOB ang NAIA PAPALITAN na to MIA, YAP TULFO UMAKSYON”. Nakalagay din sa kahabaan ng video ang tekstong: “TULFO at ERIC YAP PANGALAN NG NAIA PALITAN NA!” (sic). Ipinarinig din sa video ang panayam ni Ben Tulfo kay Yap hinggil sa panukalang palitan ang pangalan ng paliparan. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 204,000 view sa YouTube at laman ng ilan pang post sa Facebook. Ang katotohanan: Taong 2020 o noong nakaraang Kongreso pa nang mangyari ang ipinarinig na panayam ni Tulfo kay Yap hinggil sa panukalang batas ng kongresista na naglalayong palitan ang pangalan ng NAIA at gawing Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas. Malayo ang nasabing pangalan sa MIA na nakalagay sa pamagat ng video. Hunyo 2020 nang ihain ni Yap kasama sina Davao City Representative Paolo Duterte at Marinduque Representative Lord Allan Jay Velasco ang nasabing panukala, ngunit naiwan itong nakabinbin sa committee level mula pa noong Hulyo ng kaparehong taon. Sa kasalukuyang Kongreso ay hindi hinain muli ng tatlong kongresista ang nasabing panukalang batas. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software