About: http://data.cimple.eu/claim-review/98ff59fe4882e6832764406c85baa64235486728f2f59d59ee70f32d     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Hindi pinaimbestigahan ni Corazon Aquino nang naging pangulo siya ang pagkamatay ng kanyang asawa at kilalang lider ng oposisyon na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. - Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan (ABKD) sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito. - Ang katotohanan: Nabuksan muli ang imbestigasyon sa pagkamatay nina Ninoy Aquino at umano’y gun man na si Rolando Galman sa termino ni Corazon Aquino. Noong 1990, sinentensiyahan ng Sandiganbayan ng habambuhay na pagkakakulong ang 16 na miyembro ng militar kaugnay ng pagpaslang kay Ninoy. - Bakit kailangang i-fact-check: Maraming Facebook post na kumakalat at kumukuwestiyon tungkol sa kasinungalingang hindi pinaimbestigahan ni Cory ang pagkamatay ng asawa dahil sa samu’t saring haka-haka. Mga detalye Kinukuwestiyon ng ilang kumakalat na Facebook post kung bakit hindi umano pinaimbestigahan ni Corazon Aquino nang siyang maging pangulo ang pagkamatay ng kanyang asawang si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Anila, “isang malaking panloloko sa mga Pilipino” ang nangyaring pag-iwas sa nasabing imbestigasyon. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Nang maupo si Corazon matapos ang makasaysayang 1986 People Power Revolution, nabuksan muli ang imbestigasyon hinggil sa pagkamatay ng kanyang asawang si Ninoy at si Rolando Galman, ang unang pinaratangang pumatay sa kilalang oposisyon. Noong 1990, 16 na miyembro ng militar ang sinentensiyahan ng Sandiganbayan ng habambuhay na pagkakakulong para sa kasong “double murder” kina Aquino at Galman. Kabilang sa 16 na nakulong ay ang ilan sa matataas na opisyal ng militar na sina Brigadier General Luther Custodio, dating hepe ng Aviation Security Command; Captain Romeo Bautista, dating direktor ng Aviation Security Command intelligence; at Sergeant Pablo Martinez, na mula sa special operation squadron. Unang nagbukas ng imbestigasyon noong 1983 ang diktador na si Ferdinand Marcos sa pangunguna ng Fernando commission, ngunit nabuwag ito dahil sa kritisismo ng publiko. Pinalitan ito ng Agrava commission. Ayon sa minority report ng komisyon, nakipagsabwatan ang militar sa pagpaslang kay Ninoy, ngunit pinawalang-sala rin si Fabian Ver, ang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines at kilalang kanang kamay ng diktador. Taong 1985, ilang buwan matapos ang imbestigasyon, pinawalang-sala ang mga akusado sa panahon ni Marcos. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com kasama ng Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software