About: http://data.cimple.eu/claim-review/af08f4819f7914f4ed374f584fba63c6439d2b30d21e8b20cb3bfd1c     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Gamit ang palladium, huhukayin ang deuterium oil sa Liguasan Marsh kaugnay ng deuterium project. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Nang isinulat itong fact check, ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroon nang 3,300 views sa YouTube. Ang katotohanan: Ang sisimulang oil exploration sa Liguasan Marsh ay kaugnay ng mga ulat na sagana sa natural gas at mga krudo ang nasabing lugar. Ayon sa mga ulat ng naunang drilling operation sa lugar, natagpuang sagana ang katubigan nito sa natural gas – methane at ethane. Sinasabi ring kung maghuhukay nang malalim ay mayroon ding coal at langis dito. Napabulaanan na ang deuterium sa Pilipinas: Noong 1980s pa nang pinabulaanan ng mga eksperto ang pagiging sagana ng Pilipinas sa deuterium oil. Ayon sa Philippine Nuclear Research Institute (PNRI), ang konsentrasyon ng deuterium ay lumiit sa mga papalalim na katubigan gaya ng sa Pacific Ocean kung nasaan ang Pilipinas. Ang deuterium ay isang isotope ng hydrogen, isang anyo ng nasabing elemento na mayroong ibang bilang ng neutrons, at hindi uri ng “natural water.” Sinasabing ang konsentrasyon din nito ay pare-pareho lamang sa mga karagatan, kung kaya’t hindi masasabing sagana ang katubigan ng Pilipinas dito. Wala pa ring napababalitang may sisimulang deuterium project sa bansa. Ang mga bill na ikinasa sa Senado upang isulong ang research ng nasabing elemento ay hindi tuluyang naisasabatas. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software