About: http://data.cimple.eu/claim-review/d4595e8df397e01d703f43e74a6dae17722b02e3691af1282168c76a     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Kung karamihan sa mga negosyo sa United States ay microenterprises, baligtad ang sitwasyon sa Pilipinas, kaya umano kakaunti ang umaasenso sa bansa. - Marka: KULANG SA KONTEKSTO - Ang katotohanan: Base sa inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) para sa 2020, 88.77% ng mga negosyo sa bansa ay microenterprises. Hindi ito nalalayo sa halos 90% sa US na nabanggit sa Facebook post. - Bakit kailangang i-fact-check: Nasa post ito ng Facebook page na “PSSAP MEDIA” noong Nobyembre 14. Nang isinulat ang fact check, nakakalap na ito ng humigit-kumulang sa 1,300 na reaksiyon, 94 na komento, at 527 shares. Mga detalye Ayon sa isang post ng Facebook page na “PSSAP MEDIA” noong Nobyembre 14, magkabaligtad ang dami ng microenterprises sa mga negosyo sa Pilipinas at United States. “Sa USA halos 90% ng negosyo ay micro, pero dito sa atin baliktad na kaya bibihira lang na umaasenso ang mga maliliit na negosyo kasi kinakain lang ito ng mga higanteng korporasyon,” ayon sa post. Nang isinulat ang fact check, mayroon nang humigit-kumulang sa 1,300 na reaksiyon, 94 na komento, at 527 shares ang nasabing post. Kulang sa konteksto ang pahayag. Mayroong mga datos ang Philippine Statistics Authority (PSA) tungkol sa mga negosyo sa bansa noong 2020, ang huling taon na may datos. Kasama rito ang mga datos tungkol sa mga micro, small, and medium enterprises o MSME. Makikita ito sa website ng Department of Trade and Industry (DTI), at nasa dokumento ring pinamagatang “2020 MSME Statistics in Brief.” Ayon sa mga datos, may 957,620 na negosyo sa buong Pilipinas na nakalap ng PSA. Sa mga iyon, 850,127 ang itinuturing na microenterprises, o katumbas ng 88.77%. Hindi ito nalalayo sa sinabi sa post na porsiyento ng mga micro enterprises sa US na 90%, na makikita rin sa isang report ng US Small Business Administration. Ang small enterprises naman ay 98,126 o 10.25%, at ang mga medium enterprises naman ay 4,716 o 0.49%. Kasama ang microenterprises, binubuo nilang tatlo ang mga MSME na 952,969 o 99.51% ng mga negosyo sa bansa. Ang mga natitira ay mga large enterprises na 4,651 lamang o 0.49%. Ikinumpara rin ng post ng “PSSAP MEDIA” ang kalagayan ng mga negosyo sa Pilipinas noong panahon ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa kalagayan ng mga ito ngayon. Mayroon din itong ilang pahayag tungkol sa mga pamilihang KADIWA na itinatag ng gobyerno noong administrasyong Marcos. Na-fact-check na ng Rappler ang Facebook page na “PSSAP MEDIA” na pawang ang nilalaman ay puro mga pahayag tungkol sa administrasyon ni Marcos at sa pamilya niya, pati na rin ang halos kapangalang page na “PSSAP UNDERGROUND MEDIA” na pareho rin ang mga paksang tinatalakay. – Percival Bueser/Rappler.com Si Percival Bueser ay isang volunteer na nakapagtapos ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software