About: http://data.cimple.eu/claim-review/db7b8ee3d93a897dcc483b4c3826164e5f03aa1799b7fb942dee5379     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Nagtatago si dating Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon matapos ang 2022 eleksiyon dahil nanalo sa pagkapangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ginusto niyang idiskalipika. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Nanatiling aktibo sa kaniyang Facebook account si Guanzon pagkatapos ng eleksiyon. Ang pinakahuling post ni Guanzon nang isulat ang fact check na ito ay kaniyang ginawa noong Mayo 12, tatlong araw matapos ang eleksiyon and kung kailan malinaw na ang panalo ni Marcos. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 3,500 reaksiyon, 353 komento, at 149,586 views ang post sa YouTube. Mga detalye Sa isang post noong Mayo 12, sinabi ng YouTube channel na “JIL Review TV” na nagtatago si dating Commission on Elections (Comelec) commissioner Rowena Guanzon matapos magwagi sa halalan sa pagpakapangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ginusto niyang idiskalipika. Ang video ay may pamagat na, “Hala! Bumaliktad Na! Guanzon Umamin Na! Lantarang Nilaglag Si Lenlen Kiko Nagpanic Naiyak!” Sinabi simula sa 5:41 timestamp ng video na hinahanap ng netizens si Guanzon dahil bigla itong nawala sa social media simula nang magsimula ang bilangan ng boto noong gabi ng Mayo 9 at nakitang lumalamang si Marcos Jr. “Sa lahat ng tapang na kaniyang pinakita sa lahat ng kampanya ng Leni-Kiko tandem ay parang bigla na lang ito di umanong naduwag ang nasabing commissioner,” sabi sa 7:21 timestamp ng video. Dagdag pa ng lalaki sa video, nagtatago si Guanzon dahil alam niyang sigurado na ang pagkapanalo ni Marcos Jr. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 3,500 reaksiyon, 353 komento, at 149,586 views ang post sa YouTube. Hindi totoong nagtatago si Guanzon. Makikita sa opisyal na Facebook page ni Guanzon na nananatili siyang aktibo sa social media. Ang pinakabagong post sa kaniyang Facebook page nang isulat ang fact check na ito ay ipinost noong hapon ng Mayo 12, tatlong araw matapos ang eleksiyon at kung kailan malinaw na ang pagkapanalo ni Marcos Jr. Mayroon din mga inilabas na post si Guanzon mula araw ng eleksiyon noong Mayo 9 hanggang Mayo 12, nang isulat itong fact check. Bilang commissioner noong Enero, sinabi ni Guanzon sa isang separate opinion na bumoto siya para idiskalipika si Marcos dahil sa moral turpitude na nagawa nito nang hindi nito binayaran ang kaniyang mga buwis noong 1980s. Noong Mayo 10, ibinasura ng Comelec ang dalawang set ng kaso na binubuo ng limang appeal na naglalayon na idiskalipika si Marcos Jr. Noong Mayo 13, nagpost din si Guanzon sa kanyang Twitter account ng kanyang tugon sa sabi-sabing siya ay nagtatago. “I am here, you fools, I never left. This is my fu*king country.#RowenaGuanzon,” sinabi niya sa kanyang tweet. (Nandito ako, mga loko-loko, hindi ako umalis. Ito ang aking bansa.) Base sa bahagya at hindi opisyal na resulta na ipinadala sa Comelec transparency at media server, tinalo ng anak ng diktador na si Marcos Jr. si Bise Presidente Leni Robredo para sa pagkapangulo sa eleksiyon 2022. Si Bise Presidente Leni Robredo ang sinuportahan ni Guanzon para sa nasabing eleksiyon. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software