About: http://data.cimple.eu/claim-review/dc1f4ea7c3f967888ae0749c7f2902699f536d5541a97312d0c7bb0e     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Pasekretong ineendoso ni Ka Leody de Guzman si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sumesenyas siya ng “peace sign” at nakasuot ng pulang t-shirt sa isang video. - Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng AlterMidya sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito. - Ang katotohanan: Si De Guzman ay kritiko ng pamilyang Marcos at ng kalaban niya sa pagkapangulo na si Ferdinand Jr. Pula ang campaign color ni De Guzman dahil sumisimbolo ito sa kanyang aktibismo nang marami nang dekada. - Bakit kailangang i-fact-check: Sa ngayon, umabot na sa 72,000 na reaksiyon, 3,433 na komento, at 1,320 na shares ang video na nagpapakalat ng maling impormasyon. Mga Detalye Ayon sa isang nag-viral na video sa TikTok, pasekretong ineendoso ng kandidato sa pagkapresidente na si Leody de Guzman ang karibal niyang si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ginamit sa naturang video ang kuha mula sa nagdaang Presidential Debates ng CNN Philippines nitong Pebrero 28, 2022. Makikita rito ang pagtataas ng kamay at pag-”peace sign” ni De Guzman sa isang bahagi ng programa. Nakalapat sa video ang “peace sign” na logo naman ni Marcos Jr. bilang pagpapakita ng pagkakatulad nito sa iminuwestra ng kandidato ng Partido Lakas ng Masa. Hindi totoo na sekretong ineendoso ni De Guzman si Marcos. Malinaw ang tindig ng partido ni De Guzman na Partido Lakas ng Masa tungkol sa pagtakbo nila at paglaban sa “Marcos-Duterte Axis of Evil.” Nitong Pebrero 8, 2022, pinili rin nina De Guzman ang Bantayog ng mga Bayani, isang historikal na lugar sa Quezon City para sa mga bayani at martir ng Martial Law, para sa kanilang proclamation rally. Sa panayam sa After the Fact nitong Pebrero 2022, ipinaalala din ni De Guzman sa mga botante ang kaso ni Marcos na hindi pagpa-file ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985. Idiniin niya ang paulit-ulit na pagdedepensa ni Marcos Jr. sa mga karumaldumal na krimen ng amang diktador. Binanatan ulit ni De Guzman si Marcos nitong Marso 2022 dahil “walang alam” umano si Marcos Jr. sa usapin ng labor relations. Ipinunto niya ito matapos ang pahayag ni Marcos na hindi nito wawakasan ang “endo” (end of contract) ng mga “seasonal” na manggagawa kapag nahalal siya bilang presidente. Ang pula na campaign color ni De Guzman ay hindi pag-eendoso kay Marcos, na gumagamit din ng pula sa kampanya. Pula ang campaign color ni De Guzman dahil sumisimbolo ito sa kanyang aktibismo nang marami nang dekada. Kasapi siya sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino, na aktibo sa pag-oorganisa ng mga unyon sa iba’t ibang kompanya sa Pilipinas. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com kasama nina Lyka Naranjo at Philip Mateo/AlterMidya Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software