About: http://data.cimple.eu/claim-review/df53507ddbe6ab780ffa8353b19579c2cfbfe7dcbbee6a30cc48778a     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Isa sa pinakamayamang Filipino si Ferdinand Marcos bago pa man ito pumasok sa pulitika. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ayon kay Jovito Salonga noong 1986, tinatayang $33,000 lamang ang idineklara ni Marcos na halaga ng kaniyang mga ari-arian sa unang taon niya bilang pangulo noong 1966. - Bakit kailangan i-fact-check: Ipinadala sa Rappler ang sabi-sabi upang ma-fact-check. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang higit sa 116,000 reaksiyon, 7,900 na komento, at 59,000 na shares ang post sa Facebook. Mga detalye Isang post noong Pebrero 2015 ng Facebook user “E. Marcos” ang muling kumakalat ngayon at nagsasabing ang dating pangulo na si Ferdinand Marcos ay isa sa pinakamayamang Filipino bago pa man ito pumasok sa pulitika. Nakalagay sa caption ng post, “Bago pa man pumasok sa pulitika si Ferdinand Marcos, isa na ito sa pinaka mayamang Pilipino sa kanyang henerasyon.” Ipinadala sa Rappler ang sabi-sabi upang ma-fact-check. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang higit sa 116,000 reaksiyon, 7,900 na komento, at 59,000 na shares ang post sa Facebook. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Sa isang artikulo ng The New York Times noong 1986, sinabi ni Jovito Salonga, chairman sa komisyon na nag-imbestiga at bumawi sa mga nakaw na yaman ni Marcos, na nagkakahalaga lamang ng $33,000 ang idineklarang assets ni Marcos bago siya maupong pangulo ng bansa. Ayon sa opisyal na datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang palitan ng piso kontra dolyar noong 1965, nang maging pangulo si Marcos, ay P3.91 kada dolyar. Gamit ang palitan na ito, ang kabuuang assets ni Marcos bago siya maging pangulo ay nagkakahalaga lamang ng P129,030. (Bago maging pangulo, nanungkulan munang kongresman, pagkaraan ay senador, si Marcos.) Ayon sa isang artikulo ng Esquire, ilan sa mga prominenteng mayayamang Pilipino mula 1940 hanggang 1960 ay ang mga miyembro ng pamilya Delgado, Araneta, Yap, Rufino, Tantoco, Chan, Aboitiz, Lopez, Ayala, at Campos – pawang mga pamilyang negosyante. Wala si Marcos at ang kaniyang pamilya sa listahan. Nauna na ring na-fact-check ng Rappler ang sabi-sabi na si Marcos ang pinakamayamang tao sa mundo. Ang anak ni Marcos na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay tumatakbo sa pagkapangulo sa darating na eleksiyon sa Mayo 2022. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software